EkstraRiceTV

Breaking

Post Top Ad

Post Top Ad

'50 First dates' Pinoy version in REAL LIFE!


Madami sa atin ang nag sasabing hindi "Palabas" ang pag-iibigan na lahat ay merong Happy Ending. Pero pinatunayan ng mag-asawang ito na ang kanilang pag-iibigan ay katulad sa palabas na "50 First dates" na kung saan ang babae ay meron sakit sa utak at nakakalimutan niya ang mga nangyayari. Sa storyang Pinoy, ang lalaki ang nag karoon ng sakit sa utak kung saan hindi niya maalala ang mga nangyayari at nakakalimutan niya ang kanyang girlfriend. 

Sila Pio and Kristine Pamintuan ang nag patunay sa pag-iibigang ito nang ilabas ng pep.ph ang kanilang mala-movie na pag-iibigan. 


 IMAGE/PioPamintuanFB

Ayon sa balita, si Pio ay mayroong encephalitis, pamamaga ng tissue sa utak at dahilan ng kanyang pagkalimot. Kahit ganun ang kalagayan ni Pio, hindi siya iniwan ni Kristine. Matiyagang pinapa-alala ni Kristine ang kanilang masasayang memories gamit ang facebook at notebook.

"Hindi niya na ako kilala. Hindi niya na alam na buntis ako. So paulit-ulit 'yun. Paulit-ulit kong pinapaalala sa kaniya. Gumawa ako ng notebook. Nag-jot down ako ng mga nangyayari sa amin," Sabi ni Kristine.




Talaga nga namang pabor ang pag-ibig sa kanilang dalawa dahil kahit kasal na sila at buntis na si Kristine, nag propose ulit si Pio sa kanya habang sila ay
nasa ospital. 


IMAGE/PioPamintuanFB

"Sabi ko nga, mamahalin kaya ako ng taong 'to? Tatanggapin kaya ako kahit na walang-wala na ako sa buhay ko? Ayun, naglakas-loob ako na ibigay sa kaniya 'yung ring," Sabi ni Pio.

Kinasal silang dalawa noong Mayo at magulang ng isang napaka-cute na baby.


IMAGE/PioPamintuanFB

Ang pag-iibigan ni Pio at Kristine at nag patunay na kahit anong kalimot ng Utak, matatandaan ito ng Puso.